
Umapela si 1-Rider Party-list Rep. Ramon Rodrigo ‘Rodge’ Gutierrez sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ipagpaliban ang utos na bawasan ang fleet o bilang ng motorcycle taxis ng isang ride-hailing company.
Kasama sa naturang kautusan na itigil ang pag-onboard o pagpasok ng mga bagong rider.
Katwiran ni Gutierrez, nabanggit na kautusan ay banta sa kabuhayan ng 14,000 na motorcycle taxi riders na kaisa sa pagkakaloob ng transportation services sa bawat komunidad.
Kaugnay nito ay nanawagan din si Gutierez kay Transportation Secretary Vince Dizon na mamagitan upang mahanapan ng solusyon ang usapin na makakabuti sa riders at sa serbisyo sa publiko.
Facebook Comments









