
Welcome kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang aksyon ng Department of Transportation (DOTr) na obligahing sumakay ng pampublikong transportasyon ang kanilang mga opisyal, isang beses kada linggo.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, hindi hahadlangan ng pangulo ang anumang hakbang ng mga ahensiya ng gobyerno basta’t makabubuti ito sa pagpapatupad ng mga programa at polisiya.
Mahalaga aniya ang ganitong hakbang dahil nakikita at nararanasan mismo ng mga opisyal ang sitwasyon ng mga ordinaryong pasahero sa araw-araw.
Dagdag pa ni Castro, kung ipapatupad ng ibang mga ahensiya ang kaparehong polisiya para makatulong na mabawasan ang dami ng pribadong sasakyan sa kalsada, ay susuportahan ito ng Palasyo basta’t hindi lumalabag sa karapatang pantao.









