Tahasang sinabi ngayon ng Palasyo na walang kinalaman ang nangyaring insidente kahapon sa Fairview Quezon City kung saan napatay ng isang kagawad ng Philippine National Police (PNP) ang isang retiradong sundalo dahil sa paglabag sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) at dahil sa tangkang pagbunot umano ng baril sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na patayin ang mga lalabag sa ECQ.
Ayon kay Secretary Roque sa nangyaring insidente hindi naman sinabi ng nakapatay na police na si Master Sergeant Daniel Florendo na pinatutupad nya ang ‘shoot them dead order’ ni Pangulong Duterte.
Paliwanag ng kalihim, ginagamit lamang ng mga kritiko ng Pangulo ang issue laban sa kanya.
Sinabi din nitong huwag bigyan ng interpretasyon ang bagay na ito dahil wala namang basehan at puro espekulasyon lamang ang lahat.
Kasunod nito, Nangako si Roque na masusing iimbestigahan ng mga otoridad ang naturang insidente.