UTOS NG DILG, IPINATUTUPAD NA SA MGA BARANGAY SA MANGALDAN

Ipinatupad sa Mangaldan ang pagpapalawig ng lokal na ordinansa bilang tugon sa kautusan ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ito ay alinsunod sa nilagdaang kautusan ng alkalde, kung saan pinagtitibay ang mga ordinansa na nagbabawal sa mga menor de edad na uminom ng alak sa mga tindahan, bar at sa iba pang pampublikong lugar.

Pinalalawig din ang curfew mula alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw para sa mga menor de edad.

Bukod dito, mahigpit ring babantayan ang operasyon ng folk houses, music lounges, videoke at karaoke bars, pati na rin ang mga eateries at restaurant na may videoke o karaoke sa buong bayan.

Babala ng pamahalaan ang karampatang parusa para sa sinumang lalabag sa mga naturang batas.

Kaugnay nito, hinimok ng Sangguniang Bayan ang mga punong barangay na agad ipatupad ang kautusan sa kanilang mga nasasakupan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments