Utos ng Pangulo na patayin ang mga rebeldeng komunista, eksaherasyon lang

Iginiit ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa na hyperbolic lang o eksaherasyon ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na patayin ang mga rebeldeng komunista na nasundan ng pagpatay umano ng pulisya sa siyam na aktibista sa Calabarzon.

Ayon kay Dela Rosa, abogado si Pangulong Duterte, naging piskal at prosecutor pa kaya hindi ito magbibigay ng direktiba na iligal.

Paliwanag ni dela Rosa, ang paraan ng pagsasalita ng Pangulo ay para lang bigyang-diin na “he really means business” o seryoso siya sa kanyang hangarin.


Sabi ni dela Rosa, may mga hindi nakakakilala sa Pangulo ang nami-misinterpret o nagkakaroon ng maling pakahulugan sa mga sinasabi nito.

Facebook Comments