Utos ng Pangulong Duterte na magtayo ng imprastraktura sa Kalayaan Group of Island, agad na tutukan ng militar

Manila, Philippines – Walang magiging problema ang Armed Forces of the Philippines kung magtatayo ng mga panibagong imprastraktura sa mga isla sa Kalayaan Group of Island.

Ito ang tiniyak ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kasunod na ipag-utos mismo ito ni Pangulong Rodrigo Duterte makaraang manindigan ang China na pag-aari nila ang mga isla sa West Philippine Sea dahil sakop umano ito ng kanilang 9 dash line.

Ayon kay Lorenzana, mayroon ng presensya ng mga sundalo sa Kalayaan Group of Island kaya hindi na mahihirapan ang kanilang tropang sundin ang utos ng Pangulo.


Matagal na aniyang nasakop ng bansa ang mga isla sa Kalayaan Group of Island kabilang na ang Pag-Asa Island.

Sa ngayon aniya ihahanda na lamang nila ang mga kailangang pondo at kagamitan para mapatayo ang mga imprastraktura.

Sinabi ng kalihim na nais ng Pangulong Duterte na maglagay ng barracks para sa mga sundalo, water and sewage disposal systems, power generators, light houses at bahay ng mga mangingisda.

Dagdag pa ni Lorenzana, mayroong soyam na isla sa Kalayaan Group of Island na ngayon ay patuloy na binabantayan ng mga sundalo.
Nation”

Facebook Comments