Utos ni Chinese President Xi Jinping sa Chinese military na maghanda sa tensyon sa karagatan, hindi aatrasan ni PBBM

Hindi nagpatinag si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa direktiba ni Chinese President Xi Jinping sa Chinese military na maghanda kasunod ng tensyon sa West Philippine Sea.

Ayon kay Pangulong Marcos, polisiya na ng China noon pa man ang ganitong mga paghahanda kung kaya’t hindi na siya nasorpresa.

Giit ng pangulo na patuloy niyang ipagtatanggol ang teritoryo ng bansa sa gitna ng agresibong pag-aangkin ng China.


Kinikilala rin aniya ng international community ang maritime territory ng Pilipinas.

Kamakailan ay nanawagan si Xi sa Chinese military na protektahan ang mga karapatan at interes ng China sa karagatan.

Kinailangan aniyang bumuo ng sistema ng pagtatanggol sa cyberspace at pagbutihin ang kakayahang mapanatili ang seguridad ng national network security.

Facebook Comments