Utos ni PBBM na pagtatayo ng water impounding facilities, dapat sabayan ng reforestation ng mga watershed

Suportado ni Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles ang direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na magtayo ng water-impounding facilities malapit sa Metro Manila upang matugunan ang pagbaha at matiyak ang sapat na suplay ng tubig sa Luzon.

Para kay Nograles, magandang idea ang water-impounding facilities dahil mapapalakas nito ang mga hakbang para mapigilan ang pagbaha.

Ayon kay Nograles, makakapagdagdag din ito sa suplay ng tubig para sa irigasyon at iba pang pangangailangan sa harap ng nakaambang pagtama ng El Niño Phenomenon sa bansa.


Gayunpaman, iginiit ni Nograles na pinakadapat pa ring tutukan ng pamahalaan ay ang pagpapanumbalik at pagpapalago muli sa ating kagubatan at watersheds at siya ay umaasa na pangunahin din itong iniisip ni PBBM.

Bilang tagapagsulong ng National Greening Program, binigyang diin ni Nograles na malaki ang papel na ginagampanan ng ating kagubatan para maibsan ang epekto ng climate change.

Pangunahing tinukoy ni Nograles ang pagsanga ng mga kagubatan sa mga kalamidad tulad ng bagyo, pagtulong na maibsan ang pagbaha at tagtuyot at paglilinis sa hangin.

Facebook Comments