Utos ni PDu30 na pag-okupa sa pinagaagawang isla sa South China Sea, dapat suportahan ng mga Pilipino

Manila, Philippines – Para kay Senator Panfilo Ping Lacson dapat suportahan ng mga Pilipino na tunay na nagmamahal sa Pilipinas ang anumang hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pinagaagawang isla sa South China Sea.

Ang pahayag ni Lacson ay kasunod ng utos ni Pangulong Duterte sa militar na okupahan at magtayo ng watawat ng ating bansa sa nabanggit na pinagtatalunang isla.

Ayon kay Lacson, maraming paraan at aksyon ang maaring gawin ng Pangulo para igiit ang ating soberenya at territorial integrity.


Binigyang diin pa ni Lacson na marapat lang na interes ng ating bansa ang mangibabaw kumpara sa magandang relasyon na nabuo ni Pangulong Duterte sa China na pangunahing umaangkin sa nabanggit na bahagi ng ating teritoryo.
Nation”

Facebook Comments