UUBUSIN | NPA, mauubos na sa kalagitnaan ng susunod na taon – AFP

“On track” ang AFP para ubusin na ang NPA sa kalagitnaan ng susunod na taon.

Sinabi ito ni AFP Spokesman Colonel Edgard Arevalo sa isang statement, kaugnay sa pag-gunita ng martial law na idineklara ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Una nang ibinunyag ng PNP ang plano ng CPP/NPA na samantalahin ang mga kilos protesta ngayong araw na ito para sa isulong ang kanilang balak na patalsikin sa pwesto ang Pangulong Duterte.


Ayon sa AFP, ang pag-iingay ng CPP/NPA ay “rhetoric” nalang upang ipakita na malakas parin sila at makapanghikayat ng ibang grupo na sumama sa kanilang layunin na ibagsak ang pamahalaan.

Pero ang totoo aniya ay isangkatutak na sa kanilang mga kasamahan ang sumuko sa pamahalaan at marami sa kanilang mga lider sumuko at nasawi na.

Nagpahayag naman ng kumpiyansa ang militar na matatamo nila ang kanilang target na tapusin na ang NPA sa susunod na taon, dahil sa matinding military operation.

Facebook Comments