Manila, Philippines – Nagbabala ang PAGASA sa pagkakaroon na madalas na pag-ulan simula na susunod na buwan.
Ayon kay PAG-ASA Climate Monitoring and Prediction Center OIC Ana Liza Solis – isa hanggang dalawang bagyo ang inaasahang tatama sa bansa bago matapos ang taon.
Palalakasin din aniya ng la niña ang mga pag-ulang dulot ng mga weather systems gaya ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at Tail-End of Cold Front.
Ang “La Niña” ay isang ‘weather phenomenon’ kung saan mararanasan ang mas maraming pag-ulan, mas malamig na temperatura at mas malakas na hangin mula silangan.
Inaasahang tatagal ang La Niña hanggang Marso ng susunod na taon.
Facebook Comments