UULANIN| PAGASA, nagbabala sa epekto ng La Niña na aabutin pa hanggang Abril o Mayo

Manila, Philippines – Inaasahang tatagal pa hanggang buwan ng Abril o Mayo ang nararanasang La Niña phenomenon sa bansa.

Ayon sa PAGASA, magdadala ng mas marami sa normal na pag-uulan at bahagyang mas mainit na temperatura sa bansa.

Babala ng PAGASA, higit sa normal ang inaasahang mga pag-ulan na mararanasan sa Albay, Camarines Sur, Catanduanes, Basilan, Bukidnon, Lanao Del Sur, Maguindanao, Sarangani, South Cotabato, Sultan Kudarat at Davao Region.


Gayunman, mas mababa naman sa normal ang mararanasang mga pag-ulan sa Luzon pagsapit ng Marso, habang normal hanggang bahagyang higit sa normal naman ang mananaig sa Visayas at Mindanao.

Inaasahang matatapos na kasi sa katapusan ng Marso ang northeasterly winds o ang malamig na hangin, habang ang easterlies naman ay malamang na mararamdaman sa bansa sa kasagsagan ng tagtuyot mula Marso hanggang Mayo.

Facebook Comments