UUMPISAHAN NA | Oplan Balik Eskwela, aarangkada simula ngayong araw

Manila, Philippines – Uumpisahan na ng Department of Education (DepEd) ang taunang “Brigada Eskwela” na layong makumpuni, malinis at makalikom ng mga kagamitan para sa mga silid-aralan sa pamamagitan ng bayanihan ng mga guro, magulang at mag-aaral bago sumapit ang pasukan.

Sa ilalim ng Oplan Balik Eskwela magkakaroon ng OBE Information & Action Center sa punong tanggapan ng ahensya sa Pasig City na magsisilbi bilang information & complaints zone.

Inaatasan din ang lahat ng regional at division offices na mag-set up ng command center para sumagot sa mga tawag at concerns ng mga magulang kaugnay ng pagbabalik eskwela.


Samantala, pangungunahan naman ni Education Secretary Leoner Briones ang oplan Balik Eswkela sa Marawi City sa Miyerkules, May 23.

Gaganapin ito sa Amai Pakpak Central Elementary School sa Marawi City.

Ang nasabing Oplan Balik Eskwela ng ahensya ay magtataggal hanggang sa June 8.

Kasunod nito nakatakdang magbukas ang klase para sa school year 2018-2019 sa mga pampublikong paaralan sa darating na Hunyo a-4.

Facebook Comments