Manila, Philippines – Sisimulan na ngayong araw ng Social Security System (SSS) ang pagtanggap ng Loan Restructuring Program (LRP) applications sa lahat ng kanilang branch nationwide.
Ayon sa SSS, ang mga miyembro na may nakaraang loan tulad ng salary, calamity, emergency, educational, study-now-pay-later plan, voc-tech, Y2K at investment incentive ay sakop ng programa.
Ang mga mag-a-avail ng loan restructuring program ay dapat dala ang kanilang application form na nafill-up-an na kung saan maaring ma-download sa website ng SSS (www.sss.gov.ph <WWW.SSS.GOV.PH>) at dalawang valid ID.
Sa ilalim ng LRP, maaring tapusin ng mga member-borrowers ang kanilang overdue loan principal at interest ng buo o sa pamamagitan ng installment.
Ang mga kwalipikadong miyembro ay bibigyan lamang ng hanggang anim na buwan o hanggang Oktubre a-uno para ma-avail ang programa.