UUMPISAHAN | Paglalagay ng SRP sa bigas at agri-products ng DTI at DA, sisimulan sa Metro Manila

Manila, Philippines – Target simula sa Metro Manila ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture (DA) ang paglalagay ng Suggested Retail Price (SRP) sa bigas at iba pang agricultural products.

Kasunod na rin ito ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at produktong petrolyo.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, para mas ma-monitor ang pagpapatupad ng SRP ay uumpisahan muna ito sa Metro Manila.


Una nang inihayag ng DTI at DA na binuo na ang isang technical working group para pag-aralan ang ipapataw na presyo sa bigas at agri-products.

Facebook Comments