Manila, Philippines – Matapos ang isang buwang legislative recess ay balik trabaho ngayon ang Senado.
Ayon kay Senate President Koko Pimentel, pangunahin sa kanilang mga priority bills nito pag-amyenda sa 1987 constitution na siyang magbibigay daan sa pagpapalit ng porma ng gobyerno patungong federalism.
Sa ngayon, ay tatlong panukalang batas na may kinalaman sa charter change ang naihain sa Senado na pawang magkakahiwalay na iniakda nina Senate Minority Leader Fraklin Drilon, at Senators Richard Gordon at Migz Zubiri.
Ang nasabing na mga panukala ay sabay-sabay na tatalakayin sa isang pagdinig sa Miyerkules, January 17 ng committee on constitutional amendments and revision of codes na pinamumunuan ni Senator Kiko Pangilinan.
Ayon kay Pimentel, kanilang mas pagsisikapan ngayon na mabigyan ng mas mabuting kalidad ng buhay ang lahat habang kanilang tinatalakay ang mga priority bills para ngayong taon.
Kasunod ng Cha-Cha, ay prayoridad ding tatalakayin ng Senado ang panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL, ang panukalang anti-terrorism law, ang national ID system act at ang panukalang universal health care for all Filipinos act.