Matapos tanggihan ni Supreme Court Associate Justice Mariano del Castillo ang automatic nomination para maging sunod na Chief Justice, siya ngayon ang uupong ex-officio chairman ng Judicial and Bar Council.
Ang JBC ang sumasala at pumipili ng mga nominees sa lahat ng miembro ng hudikatura, Ombudsman, Deputy Ombudsmen, Special Prosecutor, at Chairperson at Regular Members ng Legal Education Board.
Dapat ang Chairman ng JBC ay ang Chief Justice ng Korte Suprema o kung sino mang most senior justice kung wala pang naitatalagang Chief Justice,
Dahil isa sa mga aplikante para maging sunod na chief justice ng korte suprema, hindi maaring umupo bilang ex-officio chairman ng JBC si Acting Chief Justice Antonio Carpio.
Sa kasalukuyan , may anim na miyembro ang JBC dahil hanggang ngayon ay wala pang itinatalaga si Pangulong Duterte na pampitong miembro na kinatawan ng academe.
Sa November 9, muling magkakaroon ng en banc meeting ang JBC kung saan inaasahang pagbobotohan ang isusumiteng shortlist kay Pangulong Duterte para pagpilian ng susunod na punong mahistrado.