US Defense Chief Hegseth, nakipagpulong kay Defense Sec. Teodoro

Mainit na tinanggap ng Pilipinas si United States Defense Secretary Pete Hegseth na dumating sa bansa nitong Biyernes ng umaga para sa isang high-level meeting sa Camp Aguinaldo kasama si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr.

Bago pa man nagtungo sa kampo militar, nakipagkita na si Hegseth kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Malacañang kung saan tinalakay nila ang mga isyung kinahaharap ng bansa, lalo na ang patuloy na tensyon sa West Philippine Sea.

Ang pagbisita ni Hegseth ay bahagi ng pagpapalakas ng alyansa sa pagitan ng Amerika at Pilipinas, kasabay ng layuning mapanatili ang isang malaya at bukas na Indo-Pacific.


Muli ding binigyang-diin ni Hegseth ang ironclad na alyansa ng Pilipinas at Amerika.

Sa ilalim ng administrasyong Trump, sinabi ni Hegseth na simula pa lamang ito ng mas mas malalim na ugnayan ng dalawang bansa sa aspetong pandepensa.

Matapos ang pagbisita sa bansa ni Hegseth, lilipad ito patungong Japan upang dumalo sa ika-80 anibersaryo ng Battle of Iwo Jima.

Facebook Comments