Manila, Philippines – Inihayag ngayon ni Labor Under Secretary Jacinto Jing Paras na marami pang mga OFW mula sa Kuwait ang uuwi sa bansa.
Ang pahayag ay ginawa ni Paras matapos na dumating kahapon sa bansa ang may sampu pang Overseas Filipino Workers mula sa bansang Kuwait.
Ayon kay Usec. Paras ang 10 mula sa isandaan at limampung OFWs ay dumating sa NAIA Terminal 1 sakay ng Philippine Airlines Flight PR-669 kahapon ng 7:53 ng umaga.
Paliwanag ni Paras na walang sumalubong o sumundo na opisyal ng gobyerno at sa halip ay pinayuhan nila ang sampung balikbayan na magpunta na lamang sa OWWA Office sa Pasay City.
Giit ni Paras ang 10 OFW na bumalik sa bansa ay hindi sila kasama sa ‘Mercy Flights’ ng gobyerno at gumastos ang mga ito ng sarili nilang pamasahe pabalik ng Pilipinas.