
Nilinaw ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi pa kasama ang mga UV Express at Van sa pagtaas sa 70% ng kapasidad ng mga pampublikong sasakyan.
Ayon kay MMDA General Manager Romando Artes, ang sakop lamang ng pagtatas ng kapasidad ay mga jeep, bus at tren.
Mananatili naman sa 50% ang seating capacity ng UV express vans.
Kasabay nito, magpapatupad naman ang Department of Transportation (DOTr) ng tatlong araw na pilot study kaugnay sa unti-unting pagtataas ng kapasidad sa mga pampublikong sasakyan sa Metro Manila at iba pang karatig na probinsya.
Magsisimula ito sa Nobyembre 4.
Facebook Comments









