UV Express P2P operation hindi muna itutuloy

Image via topgear.com.ph

Suspendido muna ang implementasyon ng point-to-point operation ng UV Express service, ayon sa Department of Transportation ngayong araw.

Sa inilabas na memorandum circular ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), hindi matutuloy sa loob ng dalawang linggo ang polisiyang magbabawal sa mga UV Express na magsakay at magbaba sa pagitan ng kanilang pick-up at drop-off point.

Pahayag ni DOTr Assistant Secretary Hope Libiran, kailangan nila ng sapat na oras upang pag-aralan ang iminumungkahing panukala.


Ang polisya ay inilabas ng LTFRB nitong Mayo 16. Ang mga lalabag ay pagmumultahin ng P5000 hanggang P9000.

Dahil sa planong batas, samu’t-saring pambabatikos ang nabato sa LTFRB.

 

 

Facebook Comments