Ngayong nalalapit na ang Holy week break, muling nagbabala ang Philippine National Police (PNP) hinggil sa vacation scam.
Ayon sa PNP-Anti Cybercrime Group dapat maging maingat at mapanuri ang publiko hinggil sa naglipanang travel scam sa social media.
Payo ng pulisya sa publiko, beripikahin kung lehitimo ang travel website para hindi maloko, gumamit din ng mga trusted platforms, kwestyunin ang mga hindi makatotohanang deals o promo o ang too good to be true deals.
Kailangan ding secure ang payment methods, maging maingat sa unsolicited offers, icheck kung mayroong physical address ang travel agency at agad na ireport sa pulisya kung kahina hinala ang alok ng travel tours.
Maaari itong i-report sa Facebook page sa @anticybercrimegroup o magtext o tumawag sa 09688674302.