Manila, Philippines – Pinag-aaralan na ng Volunteers Against Crime and Corruption ang pagsasampa ng impeachment complaint laban kay Ombudsman Conchita Carpio Morales.
Ito’y kaugnay sa hindi pagsasama kay dating Pangulong Noynoy Aquino sa mga mapapanagot sa nangyaring engkwentro sa Mamasapano, Maguindanao na ikinamatay ng 44 na miyembro ng PNP Special Action Force.
Sa interview ng RMN kay VACC Chairman Dante Jimenez – hindi patas mag-imbestiga sa nasabing kaso si Morales.
Dapat aniya mapanagot si dating Pangulong Aquino sa pangyayari.
Samantala, makakasama ng VACC sa isang press conference ang mga pamilya ng SAF 44 mamaya.
DZXL558
Facebook Comments