VACC, dismayado sa pagkuha nina Bishop Virgilio David at Senador Hontiveros sa kustodiya ng mga saksi sa kaso ni Kian

Manila, Philippines – Sumisigaw ng katarungan ang grupong Volunteers Against Crime and Corruption upang mabigyan ng tunay na hustisya ang pagkamatay ng tatlong binatilyo na sina Kian Loyd Delos Santos, Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo de Guzman.

Ayon kay VACC Founding Chairman Dante Jimenez nais nina Lorenzana at Saldy Delos Santos maging si Eva Arnaiz na mabigyan ng katarungan ang brutal na pagpaslang sa kanilang mga anak.

Dismayado si Jimenez sa pagkuha ni Senadora Riza Hontiveros sa kustudiya ng 5 bata saksi sa pagpatay kay Kian delos Santos gayong ipinagkatiwala ng tatay sa VACC.


Ikinalungkot din ni Roy Albuna Concepcion kung bakit tinanggap ni Caloocan Bishop Pablo Virgilio David ang pagkustodiya sa kanyang mga anak ng walang pahintulot nito.

Hinikayat din ni Concepcion na isauli ni Bishop David sa kanya ang kanyang mga anak dahil sabik na sabik na siya na makita ang mga ito.

Facebook Comments