Nanawagan ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na ilabas ang mga ebidensya na mayroong siyam na high-profile inmates sa National Bilibid Prisions (NBP) ang namatay sa COVID-19.
Ayon kay VACC Founding Chairperson Dante Jimenez, nais nilang matiyak na walang foul play na nangyari sa pagkamatay ng ilang bilanggo.
Hindi rin aniya naging transparent ang proseso ng cremation at walang testigo.
Sinabi ni Jimenez na ipinadala na lamang ang mga abo sa pamilya.
Una nang sinabi ng Bureau of Corrections (BuCor) na namatay sa COVID-19 ang kidnap-for-ransom convict na si Jaybee Sebastian at iba pang high-profile inmates.
Ipinag-utos na ng Department of Justice (DOJ) sa National Bureau of Investigation (NBI) na siyasatin ang pangyayari.
Facebook Comments