VACC, kinondena ang kabagalan ng Kongreso sa pagpapasa ng panukalang death penalty

Manila, Pgilippines – Kinondena ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang kabagalan ng Kongreso sa pagpapasa ng panukalang death penalty.

Kaugnay na rin ito ng kaso ng pagmasaker sa isang pamilya sa Bulacan kung saan umaming lulong sa droga ang suspek.

Sa interview ng RMN kay VACC Founding Chairman Dante Jimenez – hinamon nito ang kongreso na ipasa agad ang panukala bago pa dumami ang mga biktima ng kahalintulad na krimen.


Maging ang simbahan at mga human rights group ay hinamon din ni Jimenez bilang mga kritiko ng parusang bitay.

Samantala, nagpaalala naman ang VACC sa Philippine National Police na tiyaking nasunod ng mga ito ang rules of judicial process sa pagprisinta sa media ng suspek.

Facebook Comments