VACC, maghahain ng impeachment complaint Vs. SC chief Justice Maria Lourdes Sereno

Manila, Philippines – Maghahain ng impeachment complaint ang Volunteers Against Crime and Corruption o VACC laban kay Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.

Ang grounds ng impeachment complaint laban sa punong mahistrado ay breach of public trust, culpable violation of the constitution at graft and corruption.

Ito ay kaugnay sa limang malalaking isyu kabilang ang pagbuo ng judiciary decentralized office at pagbubukas ng regional court administration office at ang labag sa batas na pagkakatalaga sa ilang mga staff na hindi dumaan sa en banc.


Ilan dito ang travel allowance ng mga staff gamit ang pondo ng SC na hindi dumaan sa approval ng en banc at ang pag-upo lamang ni Sereno sa mga posisyon ng tatlo hanggang apat na taon sa mga posisyon ng Deputy Clerk of Court at Chief Attorney.

Pinangunahan nina VACC Chairman Dante Jimenez at Atty. Eligio Mallari ang paghahain ng reklamo sa tanggapan ng House Secretary General.

Nang matanong kung sinong kongresista ang endorser ng kanilang impeachment complaint, sinabi ni Jimenez na abangan na lang kung sinong mambabatas ang magdadala ng kanilang reklamo kay Sereno.

Pero sa rules ng Kamara, maaaring ibalik ito ng House Sec. General kung walang endorsement mula sa mga mambabatas.

Kaugnay nito, isa pang impeachment complaint laban kay Sereno ang inaabangan at ihahain sa pangunguna ni Atty. Larry Gadon.

Facebook Comments