Manila, Philippines -Naalarma na ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) sa dumaraming insidente ng “tanim droga” na kinakasangkutan ng ilang miyembro ng Philippine National Police.
Pinakahuli dito ay pagkakasibak sa hepe ng Bacolor, Pampanga matapos madawit sa modus ng tanim droga.
Sa interview ng RMN kay VACC Chairman Dante Jimenez – nanawagan ito sa PNP na itigil na ang ganitong gawain na siyang nakakasira sa kanilang hanay.
Ayon kay Jimenez – maganda talaga ang layunin ng Pangulong Duterte na puksain ang droga sa bansa.
Pero nababahiran ito ng kontrobersya dahil sa mga ganitong gawain na siyang pinag-uugatan ng korapsyon.
Kasabay nito – nilinaw ni Jimenez na hindi sila kontra sa kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.
Samantala – ipinag-utos na ng Justice Department sa National Bureau of Investigation na imbestigahan na ang magkakahiwalay na kaso ng pagtatanim ng ebidensya at pangingikil ng pera.
DZXL558