VACC, nakakuha na ng kopya ng mga dokumento laban kay Chief Justice Sereno

Manila, Philippines – Nakakuha na ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ng kopya ng mga dokumento laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ang mga dokumento ay magpapatunay na dapat patalsikin si Sereno dahil sa culpable violation of the constitution at betrayal of public trust.

Hinimok ni VACC Chairman Dante Jimenez – ang Kamara na seryosohin at i-endorso ang inihain nilang impeachment complaint laban sa punong mahistrado.


Hindi naman ininda ni Jimenez ang mga dokumentong hindi inilabas ng korte na bahagi ng kanilang request para masuportahan ang impeachment complaint.

Binigyang diin ni Jimenez na wala silang nililigawang mambabatas para mapadali ang pag-eendorso ng kaso sa Mababang Kapulungan.

Ito ang kauna-unahang impeachment complaint na natanggap ni Sereno mula nang magsilbi siyang Chief Justice noong 2010.

Sa ngayon, nanatiling tikom ang bibig ni Sereno sa alegasyon sa kanya ng VACC.

Facebook Comments