MANILA – Pinag-aaralan na ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang paghahain ng reklamo laban kay Senadora Leila de Lima sa pagkakasangkot nito sa drug trade sa New Bilibid Prisons (NBP).Sa interview ng RMN kay VACC Chairman Dante Jimenez, sinabi niya na hindi nila kukunsintihin ang mga ginawang pag-protekta sa mga iligal na gawain ng senadora.Naniniwala din si Jimenez na totoo ang sinasabi ng mga presong tumestigo sa pagdinig ng kamara kahaponSa ngayon ay inaabangan pa nila ang mga susunod na rebelasyon sa mga pagdinig.Kasabay nito ay tiniyak ng VACC na handa silang tumulong para ubusin ang mga ‘scalawags’ sa NBP.
Facebook Comments