VACC, suportado si dating SBMA Chair Martin Diño sa kanyang kampanya kontra korapsyon

Manila, Philippines – Naniniwala si VACC founding Chairman Dante Jimenez na walang nangyayaring korapsyon sa administrasyon ni dating SBMA Chairman Martin Diño.

Ayon kay Jimenez kung mayroon umanong kurapsyon sa pamamahala ni Diño, ang VACC mismo ang mangunang magsasampa ng kaso laban sa napatalsik na SBMA Chairman.

Giit ni Jimenez, hindi korap si Diño, sa katagang binitiwan ng founding Chairman ay unti-unting tumulo ang luha ni Diño dahil sa buong suportang ipinakita ni Jimenez sa kanya.


Aminadong naman si Diño na wala siyang alam sa pamamahala sa SBMA pero kaya umano nitong linisin ang bulok na sistema, ngunit ang ikinadisyama nito ay dahil nahaluan umano ito ng politika sa loob SBMA.

Facebook Comments