VACC, umalma sa batikos sa hindi pagdalaw sa burol ni Kian delos Santos

Manila, Philippines- Pumalag ang Volunteers Againts Crime and Corruption hinggil sa mga bumabatikos sa kanilang grupo na hindi man lang nakiramay sa pamilya ni Kian delos Santos.

Sa isang pulong balitaan, Sinabi ni VACC Legal Counsel Atty. Ferdinand Topacio na dumalaw na sa lamay ni Kian Delos Santos, ang 17 anyos na batang napatay sa drug operations ng Caloocan Police, ang kanilang tagapagsalita na si Arsenio Evangelista para makiramay at magpaabot ng anumang tulong legal o ayuda.

Ayon kay Topacio, si Evangelista ay nagpunta sa pamilya ni Kian at hindi na ibroadcast kaya hindi alam ng kanilang mga kritiko.


Aniya hindi sila katulad ng ilang politiko na nakisawsaw sa issue at dumalaw lang kay kian at may bit bit pang sang katerbang Media Practitioners para lang maipaalam sa taumbayan na nakiramay sila.
Matatandaang umani ng batikos ang VACC dahil sa pagiging kilalang alyado nito sa pangulo at wala umanong ginagawamg hakbang laban sa mga umanoy biktima ng drug war ng administrasyon Duterte

Facebook Comments