VACCINATION AWARENESS PROGRAM,ISINAGAWA NG DTI REGION 1 BILANG SUPORTA SA PAGBABAKUNA KONTRA COVID-19

Isinagawa ng Department of Trade and Industry Region 1 ang vaccination awareness program na dinaluhan ng mga staff mula sa iba’t-ibang work units bilang pagsuporta sa adbokasiya at kampanya ng DOH Region 1 ukol sa Vaccination Program dito.

Isinagawa ito upang mapataas ang demand at pagtanggap sa COVID-19 vaccine bilang isang estratehiya na maabot ang herd immunity upang mapanumbalik na sa normal ang lahat.

Ipinaliwanag ni Dr. Magnolia Brabante, Department of Health- Center for Health Development 1, ang ilang impormasyon at detalye sa vaccine program kabilang ang mga katanungan ukol sa bakuna.


Sinabi naman ni Regional Director Grace Baluyan sa mga dumalo na kailangang sundin parati ang mga umiiral na health protocols at ang pagtanggap sa COVID-19 vaccines. Hinikayat din niya ang mga ito na magpabakuna bilang isa ito umano sa responsibilidad ng publiko upang maayos na makapagsilbi.

Facebook Comments