Vaccination card, hindi pwedeng gawing requirement sa pag-a-apply ng trabaho – DOJ

Nilinaw ng Department of Justice (DOJ) na hindi pwedeng gawing additional requirement sa pag-a-apply ng trabaho ang vaccination card.

Sa harap ito ng isinusulong ng mga negosyante na tanging mga bakunadong aplikante lang ang kanilang tatanggapin.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, alinsunod sa Section 12 ng COVID-19 Vaccination Program Act of 2021, hindi dapat maging additional mandatory requirement ang vaccination card para sa educational, employment at iba pang government transaction purposes.


Pero para kay Labor Secretary Silvestre Bello III, hindi iligal ang hindi pagtanggap sa mga aplikante batay sa kanilang vaccination status.

Nag-ugat ang isyu sa vaccine requirement kasunod ng sumbong ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) hinggil sa “no vaccine, no salary” policy na inireklamo ng isang grupo ng mga empleyado sa isang kompanya sa Metro Manila.

Facebook Comments