Vaccination cards ng mga returning OFW, dapat dumaan sa validation ng POLO ayon sa DOLE

Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga returning Overseas Filipino Workers (OFWs) na fully vaccinated abroad mula sa COVID-19 na ipa-validate ang kanilang vaccination cards sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) bago umuwi sa Pilipinas.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ang mga OFWs na nabakunahan na sa ibang bansa ay dapat sumadya sa POLO para sa validation ng kanilang International Certificate of Vaccination.

Maliban sa vaccine card o anumang dokumentong nagpapatunay ng kanilang vaccination, ang mga ROF ay dapat magpakita ng kanilang valid passport o travel document at verified employment contract sa POLO offices.


Ang mga OFW ay ikokonsiderang fully vaccinated kung dalawang linggo o higit na pagkatapos silang makatanggap ng second dose ng COVID-19 vaccines para sa two-dose series, o kaya naman ay single-dose vaccine.

Facebook Comments