Manila, Philippines – Plano ng Department of Health (DOH) na magtayo ng vaccination centers sa mga piling fastfood chains at malls upang marami pang bata ang mapabakunahan kontra tigdas.
Bukod dito, nais din ng ahensya na magtalaga rin ng vaccination centers sa labas ng mga simbahan.
Muling hinikayat ni Health Secretary Francisco Duque III sa mga magulang na bakunahan ang kanilang mga anak laban sa tigdas at iba pang nakakahawang sakit.
Nabatid na nagpatupad na ang DOH ng house-to-house program at pagpapalawig ng vaccination activities sa mga health centers hanggang alas-5:00 ng hapon, maging weekends.
Facebook Comments