Pormal nang binuksan ng pamahalaang lungsod ng Pasig ang kanilang Vaccination Command Center ngayong araw.
Ayon kay Pasig Mayor Vico Sotto, layunin nito upang matiyak na mahusay at epektibo ang implementasyon ng COVID-19 vaccination plan lungsod.
Aniya, dito magre-report ang mga kasama sa araw-araw na operasyon ng vaccination team ng lungsod.
Simula ngayong araw aniya dito na magdu-duty ang miyembro operations center, profilers, encoders, at nurses.
Bahagi rin ng command center ay para sa Pasig Health Monitoring kung saan dito na gagawin ang pag-update ng health records na nasa database ng lungsod para sa kanilang health information management and monitoring system na gagamitin sa pre-vaccination phase ng vaccination plan.
Tulad aniya ng databasing citizen’s health information kaugnay sa COVID-19 vaccination.
Dagdag pa ng alkalde, ang command center ay magsisilbi ring vaccination site para sa healthcare workers ng lungsod.