Binigyang-diin ng Provincial Veterinary Office sa La Union ang maagap na hakbang kontra rabies sa probinsya dahil sa mataas na bilang ng naitatalang kaso nito ngayong tag-init.
Ayon sa tanggapan, isang dahilan ang naitatalang mataas na dog bite incidents sa mga bayan na tinutugunan ng mga ospital sa pamamagitan ng pagbabakuna.
Dahil dito, tuloy-tuloy ang pagsasagawa ng libreng mass vaccination drives sa mga alagang hayop sa iba’t-ibang panig ng lalawigan kasabay ng pagsisita sa mga nakawalang aso na maaaring nagpapabilis ng pagkalat ng rabies.
Tiniyak na may sapat na suplay ng bakuna sa mga opisina upang maabot ang target na 80% immunity laban sa rabies at maging rabies-free province sa taong 2030. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments