Vaccination drive sa Kamara, tuloy-tuloy pa rin kahit election break na

Tiniyak ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na tuloy-tuloy pa rin ang pagseserbisyo nila sa vaccination program sa mga kawani at mga dependents kahit pa naka-election break na ang Kamara.

Ayon kay Medical and Dental Service (MDS) Director Dr. Jose Luis Bautista, magpapatuloy pa rin ang vaccination drive ng Kamara para maasikaso ang mga empleyado at mga dependents nito na nais makakuha ng kanilang vaccine shots.

Sa ngayon ay COVID-19 booster shots na ang ibinibigay kung saan Moderna ang brand ng booster na ituturok sa mga pasyente.


Mula kahapon hanggang ngayong araw ay maaaring maparehistro sa CongVax Program ang mga empleyado at miyembro ng Kamara para magpabakuna ng ikatlong dose ng COVID-19 vaccine.

Ibinahagi rin ni Bautista na mula nang umpisahan ang drive thru booster vaccination ng Kamara ay umabot na sa mahigit 1,000 indibidwal ang naturukan.

Facebook Comments