Naglunsad ang Department of Health ng kampanya para sa malawakang pagbabakuna sa mga bata kontra tigdas, rubella at polio.
Isinagawa ang launching ng “Chikiting Ligtas 2023” sa lungsod ng San Juan.
Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, bahagi ito ng layunin ng kagawaran na maprotektahan ang mga bata mula sa mga vaccine-preventable diseases.
Panahon na rin aniya na ibalik ang tiwala ng publiko sa lahat ng uri ng bakuna na napatanuyan nang ligtas at epektibo upang maiwasan ang pagkakaroon ng outbreak ng mga infectious diseases.
Sa May 2, ikakasa ng DOH ang aktibidad sa pagbabakuna ng mga bata na tatagal hanggang sa May 31.
Target ng ahensya na mabakunahan ang nasa 9.5 million na mga batang nine to 59 months old laban sa tigdas habang 11 million na mga batang zero to 59 months old laban sa polio.
Bago ito, iniulat ng UNICEF na bumaba ng 25% ang pananaw ng Pilipinas sa kahalagahan ng pagbabakuna sa mga bata noong panahon ng pandemya.