Vaccination efforts sa high-risk areas, ipaprayoridad ng pamahalaan

Plano ng gobyerno na gawing prayoridad sa COVID-19 vaccination drive ang high-risk areas gaya ng National Capital Region (NCR) at mga karatig-lalawigan.

Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., inirekomenda ng mga eksperto ang nasabing estratehiya para pigilan ang pagkalat ng coronavirus at matamo ang herd immunity sa NCR, Regions 3 at 4A, Cebu at Davao, at maging sa Regions 6 at 9.

Aniya, ang frontline personnel sa essential sectors, uniformed personnel at indigent population ay nakatakdang bakunahan simula sa buwan ng Mayo.


“Isa sa mga strategy natin iyon, iyon ang sinasabi ng mga ibang experts at saka tinatawag natin na mga private sector at saka iyong former secretaries ng DOH, kinonsult po namin sila at nakita nila, sabi nila mas maganda sa populace areas tayo. Kasi kung just in casena magkaroon tayo ng slippage, kailangan iyong mga mostly affected areas at saka iyong tinatawag nating mga economic centers at saka mga vulnerable areas ang talagang tirahin natin,” ani Galvez.

Sinabi pani Galvez na layon ng pamahalaan na magsagawa ng one million vaccination kada linggo sa buwan ng Mayo at dalawa hanggang tatlong milyon naman kada linggo para sa buwan ng Hunyo at Hulyo.

Nabatid na mahigit 800,000 Pilipino na ang nakatanggap ng COVID-19 vaccine simula nang sumipa ang mass immunization program noong Marso 1.

Facebook Comments