Vaccination efforts sa probinsya, ibinaba na sa mga barangay

Ibinaba na ng mga lokal na pamahalaan sa probinsya ang vaccination efforts sa kani-kanilang barangay.

Ayon kay League of Provinces of the Philippines President at Marinduque Governor Presbitero Velasco Jr., layon nitong paigtingin pa ang pagbabakuna sa kanilang mga residente kung saan mismong barangay officials na ang sumusundo sa mga nais magpabakuna.

Aniya, may alok din silang insentibo at nagsasagawa rin sila ng information dissemination tungkol sa benepisyong makukuha sa COVID-19 vaccine.


Maliban dito, dadagdagan din nila ang suplay ng bakuna sa Central Luzon, Calabarzon, Bicol, Western Visayas at Central Visayas dahil ito ang mga rehiyong may pinakamataas na kaso ng COVID-19.

Facebook Comments