Inilatag na ng Malakanyang ang vaccination program ng bansa para sa COVID-19.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nagbigay na ng guidance si Pangulong Rodrigo Duterte na ipinaabot sa Local Government Units para sa gagawing pagbabakuna.
Una dito ay dapat patas na maibigay ang bakuna kontra COVID-19 sa mahihirap na Pilipino, frontliners, healthcare workers, sundalo at pulis, servicemen, at essential services personnel.
Dapat din lahat ng mga Pilipino ay mabigyan ng bakuna at walang exception.
Tiniyak din ni Roque na ang gagamiting estatehiya sa pagbabakuna ay ang geographical at sectoral.
Nakapaloob dito ang pagbibigay ng bakuna sa tinatawag na focused areas tulad ng National Capital Region (NCR), Region 4-A, Region 3, Davao City, Cebu City, Cagayan de Oro City, Baguio City, Bacolod, Iloilo, Zamboanga City, Tacloban City, General Santos City at iba pang apektadong mga lugar.