Vaccination program, nakokompromiso dahil sa mga sumisingit sa pila – VP Robredo

Nanawagan si Vice President Leni Robredo sa publiko na huwang sumingit sa vaccination program ng pamahalaan.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, iginiit ni Robredo na nakokompromiso lamang ang mga mas nangangailangan ng bakuna.

Maaapektuhan din aniya ang allocation ng mga donasyong bakuna sa bansa kabilang ang inilaang bakuna ng COVAX Facility ng World Health Organization (WHO).


Binigyang diin ni Robredo na dapat mas makatanggap ng bakuna ang healthcare workers.

Umaasa si Robredo na sundin ng lahat ng priority list – healthcare workers, seniors, mayroong comorbidities at uniformed personnel.

Una nang nagpaalala ang WHO sa Pilipinas na sundin ang priority list dahil ito ang nakalatag na kondisyon para tuluy-tuloy ang pagpapadala ng bakuna mula sa COVAX Facility.

Facebook Comments