Vaccination program ng DOH kontra Measles, Rubella, at Polio, pinalawig hanggang March 7

Pinalawig pa ng Department of Health ang kanilang vaccination program kontra Measles, Rubella, at Polio na natapos nitong Pebrero.

Sa abiso ng Department of Health, pinalawig nila hanggang sa March 7 ang kanilang pagbabakuna sa Measles, Rubella, at Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity.

Layon nito na maabot ang kanilang target population na 95%.


Ayon sa DOH, as of March 1, 83.7% o mahigit 4.2 milyon na ang kanilang nabakunahan laban sa Measles at Rubella, habang nasa 82.4% o mahigit 3.9 milyon naman ang nabakunahan laban sa Polio.

Sa pagtaya ng DOH, nasa mahigit 800,000 pang mga bata pa 0 hanggang 59 months old ang hindi pa nabakunahan sa kanilang mga target na rehiyon.

Patuloy naman ang apela ng DOH sa mga magulang na pabakunaha ang kanilang mga anak

Igiiniit ni Health Secretary Francisco Duque III na napatunayan na, ang mga bakuna na ito ay ligtas at epektibo.

Umapela rin si Duque sa mga lokal na pamahalaan na tulungan ang DOH sa pagpapalakas ng vaccination programs at matiyak na lahat ng bata sa kanilang lugar ay nabakunahan.

Facebook Comments