Vaccination program ng pamahalaan, malaki ang naiambag sa pagbangon muli ng ekonomiya ng bansa

Malaki na ang ipinagbago ng lagay ng bansa sa usapin ng COVID-19 kumpara sa nakalipas na 2 taon.

Ito ang pagtaya ni Dr. Guido David ng OCTA Research Team sa gitna ng banta ng panibagong subvariants ng Omicron na nakapasok na sa bansa.

Ayon kay David sa ngayon ay maganda na ang nakikitang numero sa ekonomiya ng bansa.


Sa katunayan aniya ang Pilipinas ang may pinakamababang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Asya.

Ikinumpara ito ni David sa Taiwan na aniya ay nakapagtatala ng 100,000 kaso sa kada araw habang mataas din ang kaso sa America at South Africa.

Aniya, ang Pilipinas ay nananatiling nasa low risk classification pa rin.

Kasunod nito kumbinsido si David na malaki ang naitulong ng vaccination program ng gobyerno para magluwag na ang restrictions sa bansa na syang daan sa unti-unting pagsigla ng ating ekonomiya.

Kasunod nito nanawagan si David sa publiko na ugaliing sumunod sa health protocols at magpabakuna na upang hindi masayang ang lahat ng ating pinaghirapan.

Facebook Comments