VACCINATION PROGRAM PARA SA MGA NASA PRIORITY LIST SA ALAMINOS CITY, PATULOY NA ISINASAGAWA

Nagpapatuloy pa rin ang ginagawang pagbababakuna sa mga nasa priority list kontra sa nakakahawang sakit na COVID-19 sa lungsod ng Alaminos.

Ang mga naturang tatanggap ng bakuna ay kinabibilangan ng mga frontliners mula sa public at private health facilities, Senior Citizens at Barangay Health Emergency Response Team.

Ang isinasagawang aktibidad ay bahagi pa rin ng programang RESBAKUNA Kasangga ng BIDA ng Department of Health (DOH) katuwang ang mga Lokal na Pamahalaan sa buong Pilipinas.


Layunin ng programa na mabigyang proteksyon ang mga frontliners na humaharap sa paglaban sa COVID-19 upang mas magawa nila ang kanilang mga tungkulin na panatilihin ang ligtas na komunidad at matiyak ang kalusugan ng mga Senior Citizen na kabilang sa most vulnerable sector ng lipunan.

Ang programang ito ay bahagi pa rin ng malawakang pagbabakuna sa buong bansa upang patuloy na masugpo ang sakit na COVID-19.

Facebook Comments