Bahagyang bumagal ang bakunahan kontra COVID-19 sa bansa sa na linggo.
Ayon kay Department of Health Undersecretary Myrna Cabotaje, mula sa dating 1.5 milyon ay nasa 300,000 na lamang ngayon ang mga nagpapabakuna kada araw.
Aniya, bagama’t bumaba ang vaccine hesitancy ay wala namang urgency sa mga nagpapa-boosters at kumpiyansa na ang karamihan na sapat na ang primary doses.
Dahil dito, sinabi ni Cabotaje na kailangan pang paigtingin ang pagbibigay ng impormasyon upang maipakita ang kahalagahan ng booster shots.
Samantala sa ngayon ay patuloy pa ring pinag-aaralan ng mga eksperto ang rekomendasyon na ikalawang booster shots.
Facebook Comments