Vaccination program sa Kamara, sinuspinde muna

Itinigil muna pansamantala ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagbabakuna sa mga empleyado nito.

Ito ay dahil ubos na ang suplay ng bakuna na ibinigay ng gobyerno.

Batay sa sulat na natanggap ng mga empleyado na naka-schedule na mabakunahan, suspendido ang vaccination bukas, May 14 at sa Sabado, May 15.


Tinitiyak naman ng liderato ng Kamara at ng mga opisyal na agad aabisuhan ang mga empleyado sa agad na pagbabalik ng operasyon ng CongVax Program.

Sa text message ni House of Representatives CongVax Head at Bataan Rep. Jose Enrique “Joet” Garcia, hihintayin pa nila ang susunod na alokasyon ng bakuna na inaasahang darating naman sa susunod na linggo.

Matatandaang nitong Lunes, sinimulan na ng Kamara ang bakunahan sa mga empleyado at iba pang benepisyaryo na kabilang sa A2 o mga senior citizens at A3 category o may mga comorbities.

Facebook Comments