Vaccination program sa mga sanggol, hiniling na paigtingin pa

Umapela si Senator Sherwin Gatchalian sa mga lokal na pamahalaan na paigtingin pa ang vaccination program sa mga sanggol.

Ito ay kasunod na rin ng ulat ng Department of Health (DOH) na may isang milyong sanggol na wala pang isang taon gulang ang hindi pa nababakunahan laban sa mga vaccine preventable diseases tulad ng tigdas.

Binigyang diin ni Gatchalian ang mahalagang papel ng mga lokal na pamahalaan para mapabilis ang pagpapatupad ng mga programa para sa pagbabakuna.


Ito ay kahit nakikipag-ugnayan na ang DOH sa mga medical society at sa grupo ng mga doktor.

Paalala pa ng senador, naging mahalaga ang papel ng mga lokal na pamahalaan sa pagpapakalat ng impormasyon kaugnay ng Mandatory Infant and Children Health Immunization Act of 2011 o Republic act 10152.

Base umano sa DOH ang Pilipinas ang isa sa 10 bansang may pinakamababang bilang ng batang nabakunahan at pinangangambahan na magkaroon ng outbreak ng tigdas kapag hindi sila nabigyan ng proteksyon laban sa sakit.

Facebook Comments